Sa paglalakad, ginugunita
Mga lumipas na araw
Mga alaalang tinuldukan
Ng aking pagkakamulat —
Mga alaalang dulot ay disgusto
At kaunting panlulumo
Sa isang nakaraang naisin man
di na mabalikan, ni mabawi man lang.
Sa muling paglalakad
Ibang daigdig
ang sa aki'y tumambad
Iba sa mundong kinikilusang
maingay, magulo,
at batbat ng tunggalian.
Ngunit aking nakita ang bakas
Ng nakaraang pinagmulan —
Mga alaalang
inilagak
sa sulok ng utak
isiniksik sa karimlan upang limutin
Mga alaalang wala nang puwang
Sa panahong
Naisara na
Ang aklat ng kasaysayan.
*Of memories better shelved, of things best left forgotten.
Of times remembered with repent, and the slightest tinge of bitter regret.
Of why some connections are lost and never found.
Of times when ignorance was my bliss.
Thursday, March 5, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment
Got something to say? Say it. Now.